Supermom ka ba? Myth or Fact

Like it? Share it!

FacebookTwitterGoogleLinkedInPinterest


I am now sitting here at a prestigious hotel lobby, listening to the angelic voice of the lounge singer
Feeling drain, not just emotionally but physically as well
Pagud, tumatanda na ba ko talaga?

Thinking about life and those people around me
Asking myself, have I been fair?
Tama ba desisyon ko, have I done the right thing
Others may see me ; as a happy person; jolly and energetic but aren’t we all.
But at the end of the end, when we are alone; when we rethink what we have done for the day; anu ng ba ang totoo.
People tend to say, “ how to be you po?” or idol kita; but are we really that supermom that everyone thinks we are.
People only see what we posted on our social media or are we just posting those what we want people to see or know about us; a supermom

Honestly, I am not a supermom
Supermom is fake………
Don’t get me wrong, please don’t read it on a wrong way; I am just saying that we are human and that’s the truth.
Once, my daughter asked me; “there are people who are curious as how did you manage to be able to provide all our need“.

I honestly said that I don’t actually know but I know that when I am in need, something or someone would come along and provide . I just pray and ask for courage to be able to get through what ever problems that comes along.
My routine before was ; going to work from 8 am till 5 pm, then go to Divisoria ; go home , sleep and wake up to prepare breakfast for the kids and go back to sleep and wake up till its time to go to work . That’s my routine for more than a decade of my life. That’s how I was able to provide for my kids
I know that I am not alone, di ako nag-iisa

Madami tayo, tayong mga single mom na ginagawang umaga pati ang gabi; makaprovide lang sa pamilya natin.
That is why we are known as Supermom

Pero ang totoo………..

Napapagod din tayo
Umiiyak tayo, di lang natin pinapakita
Nagkakasakit
Nagtatampo
Nagagalit
Naiinis
Nagwawala
Di tayu yari sa bato; siguro kaya lang natin minsan di naramdaman ang sakit , kasi manhid na tayu.

Sa lahat ng nanay dyan, minsan need natin aminin na di tayo Supermom; na need natin na may magsabi din na “ ako bahala sayo, sagot kita” sa atin.

Sa lahat ng nanay dyan, tao po tayu; wala tayong super powers
Sa lahat ng nanay dyan; sobrang pagmamahal sa anak ang meron tayo kaya kinaya natin ang lahat
Sa mga nanay dyan; mahalin din natin sarili natin
Yes, we do love our children ; but we need to love ourselves din para humaba buhay natin at maenjoy natin kung anu man ang pinaghirapan natin.
Sa mga nanay dyan; magpunta ka sa spa, mag pa massage ka
Punta ka sa parlor, magpakulay ka ng buhok; puro puti na kasi ang buhok mo dahil sa kakaisip
Sa mga nanay dyan, mag paganda ka; feel good about yourself
Sa mga nanay dyan, layas ka kahit one day lang, kain ka ng gusto mo; hwag ka maguilty sa pagtikim ng paborito mong pagkain
Sa mga nanay dyan, pwede po tayu matulog ng mahaba haba; hwag isipin ang labahin; may maiisusuot pa naman sila eh
Sa mga nanay; pwede manood ng TV kahit madaming hugasin or ligpitin; di naman nakakamatay ang kalat
Sa mga feeling supermom; nanay pa din tayu kahit anu mangyari; bigyan lang din siguro natin ang sarili natin ng time

Walang kwentang maging supermom kung maaga ka naman mawawala dahil pinabayaan mona sarili mo
Hwag nyo ko awayin ha, kasi umiiyak na ko ngayon sa pagod eh

Sharing my thoughts, please share your reaction, hwag lang violent ha;

Like it? Share it!

FacebookTwitterGoogleLinkedInPinterest


Lariza Garcia

I am mom of five talented kids who loves to discover new thing and adventure I love to travel and meet new people along the way

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.